Ayon kay Sugar Regulatory Administration or SRA Administrator Regina Martin, bumaba sa mahigit 2.3 milyon metriko tonelada ang naging produksyon ng asukal mula sa 2.4 mt noong nakaraang taon.
Paliwanag ni Martin nakaapekto ang El Niño sa mga plantasyon ng tubo o sugarcane sa Visayas at Mindanao.
Sa kabila nito, tiwala si Martin na hindi maapektuhan ang suplay ng asukal, dahil kung tutuusin ay sobra pa sa pangangailangan ng bansa na mahigit 2.2 milyon metric tons ang na nai-produce na asukal ngayong taon.
Gayunpaman, babawasan na lamang ng SRA ang pag-export na asukal para hindi maapektuhan ang pangangailangan ng bansa.
Pinaghahandaan naman ng SRA ang magiging epekto ng El Niño sa oras na matapos na ang panahon ng tag-ulan.
Kung sakali aniya ay handa silang muling mag-angkat ng asukal kung kinakailangan./ Jong Manlapaz