Ito ay makaraang ibasura ni Justcie Secretay Leila de Lima ang motion for reconsideration ni Wang laban sa nauna niyang kautusan na may petsang June 8, 2015 na bumuhay sa summary deportation order laban sa dayuhan.
Sa August 4, 2015 resolution, tinukoy ni De Lima na wala siyang nakitang sapat na batayan sa apela ni Wang para baligtarin ang kanyang June 8, 2015 resolution na nagsasabing sapat na ang mga dokumentong iprinisinta ng Chinese Embassy para pagbatayan ng deportation ni Wang.
Binigyan ng bigat ng DOJ ang pagkansela ng People’s Republic of China sa pasaporte ni Wang.
Tinukoy pa sa resolusyon ang findings ng National Bureau of Investigation sa alegasyon na sangkot si Wang sa kontrobersiya ng umano’y suhulan sa Kongreso para paboran ang isinusulong na Bangsamoro Basic Law o BBL.
Inaasahang sa araw na ito ay magsusumite na ng pinal na ulat ang NBI hinggil sa isinagawa nitong imbestigasyon sa kaso ni Wang. / Ricky Brozas