Kerwin Espinosa, suspected ‘drug lord’ at testigo ayon sa PNP

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Nakapagpalipat-lipat sa apat na bansa si Kerwin Espinosa JR. sa panahon ng kaniyang pagtatago.

Ang takot sa seryosong kampanya ng administrasyong Duterte sa illegal na droga ang dahilan ni Kerwin Espinosa Jr. kaya ito umalis ng bansa at nagtago.

Sa pahayag ni Espinosa nang siya ay iprisinta sa media sa Camp Crame ngayong Biyernes ng umaga, sinabi ni Kerwin na lumabas siya ng bansa para na rin sa kaligtasan ng kaniyang asawa at mga anak.

Inamin din ni Kerwin na mula Pilipinas, nagtungo siya sa Kuala Lumpur, Phuket at Bangkok Thailand, Hong Kong at sa United Arab Emirates.

Inquirer.net Photo- Julliane Love De Jesus

Inamin din ni Kerwin na nagparetoke siya ng ilong, pero hindi daw para itago ang kaniyang pagkakakilanlan dahil matagal na umano niya iyong ipinagawa.

Nakasuot ng bulletproof vest at nakaposas si Kerwin nang iharap sa media.

Ani Dela Rosa, nangako si Espinosa na ibubunyag ang lahat ng impormasyon sa drug trade partikular ang pangalan ng mga protektor at kung sinu-sino pa ang ibang nakikinabang.

Sa kabilang ng pagiging suspected drug lord, sinabi ni Dela Rosa na itinuturing rin nilang very vital witness si Kerwin.

“Ang mga protector, lahat ng nakinabang, sasabihin niya that’s how important he is. We are taking him here both as an arrested suspect and as a witness, very vital siya,” ani Dela Rosa.

Si Kerwin aniya ang magsisilbing “missing link” lalo pa at nasawi na ang kaniyang ama.

 

 

Read more...