Ang LPA ay huling namataan sa 655 kilometer East Southeast sa bayan ng Hinatuan.
Ayon kay Benison Estareja, weather forecaster ng PAGASA, maliit ang tsansa na mabuo bilang ganap na bagyo ang LPA sa susunod na 24-oras pero maghahatid ito ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Babala ng PAGASA, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na maaring magdulot ng flashfloods at landslides ang Eastern Visayas, Bicol Region, Caraga at ang lalawigan ng Quezon.
Habang maulap na man ang papawirin at mayroong light hanggang moderate na pag-ulan ang iiral sa
Metro Manila, nalalabing bahagi ng Visayas, nalalabing bahagi ng CALABARZON, Davao region,
Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at sa mga lalawigan ng Aurora, Bulacan at Nueva Ecija.
Mahinang pag-ulan naman ang mararanasan ngayong araw sa Cagayan Valley habang bahagyang maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan sa nalalabi pang bahagi ng Luzon.