Motorcycle lanes sa Edsa at C5 dalawa na

Motorcycle lane
Inquirer file photo

Dalawang lanes na ang ipapagamit ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para mga motorcycle riders na dadaan sa kahabaan ng Edsa at C5 Road.

Ang desisyon ay ginawa ni MMDA Chairman Tim Orbos, kasunod ng ginawa nitong konsultasyon sa mga traffic enforcers at mga opisyal mula sa iba’t ibang malalaking motorcycle riding groups.

Sa kautusan ni Orbos, maliban sa motorcycle lane ay papayagan din na gamitin ng mga nagmo-motorsiklo ang leftmost lane ng Edsa at C5 tuwing Rush hour o 7:00-10:00 ng umaga at 4:00 ng hapon -7:00 ng gabi.

Ayon kay Orbos, layun nito na matiyak ang kaligtasan ng lahat ng motorista dahil mapangnib na manatili sa isang lane sa mga nasabing kalsada lalo na kapag mabigat ang daloy ng trapiko.

Gayunman, ang mga nagmomotorsiklo na dumadaan sa Macapagal Blvd. at sa Commonwealth Ave. ay mananatiling limitado sa mga designated na motorcycle lanes.

Read more...