Makati Mayor Abigail Binay, kinasuhan sa Ombudsman dahil sa online gambling sa lungsod

Rep.-Abigail-Binay-Campos-300x300Naghain ng reklamong katiwalian ang Anti-Trapo Movement of the Philippines (ATM) Incorporated laban kay Makati City Mayor Abigail Binay dahil umano sa hindi pag-aksiyon ng paglaganap ng ilegal na mga pasugalan sa lungsod.

Nakasaad sa walong pahinang asunto ng ATM sa pamamagitan ng Chairman nito na si Leon Estrella Peralta na nilabag ni Binay at ng mga opisyal ng Business Permits and Licensing Office o BPLO ng Makati ang “anti-graft and corrupt practices act at code of conduct and ethical standards for public officials and employees” dahil sa kabiguan na tugunan ang problema sa paglaganap ng illegal online gambling sa kanilang hurisdiksiyon.

Ayon pa kay Peralta, ginagamit din umano ang mga pasugalan sa kalakaran ng ilegal na droga.

Nagpapanggap din aniya ang mga naturang pasugalan bilang Business Process Outsourcing para makakuha ng permit to operate.

Inihalimbawa pa nito ang pagsalakay na isinagawa ng CIDG kamakailan sa Hao Yung Solutions sa Ayala Avenue na nagpanggap bilang call center pero napag-alamang online casino pala dahilan para maaresto ang 54 na undocumented na dayuhan.

 

 

Read more...