Nakakuha ng +66
Sa latest survey ng Social Weather Stations na isinagawa noong September 24 hanggang 27, 75% ng mga respondents ang nagsabing sila ay satisfied sa general performance ng administrasyon, 17% and undecided at 8% lang ang hindi satisfied.
Sa +66% na nakuha ng administrasyong Duterte, nalampasan na niya ang mga nakuhang satisfaction rating ng mga nagdaang administrasyong Corazon Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo.
Bahagya ding naungusan ni Duterte ang pinakamataas na satisfaction rating na nakuha ni administrasyong Benigno Aquino na “very good” na +64%.
Sa September 24 to 27 survey ng SWS, nakakuha ng “excellent” na grado ang Duterte administration sa kampanya nito kontra illegal drugs at “very good” naman sa human rights.
Nagustuhan din ng publiko ang kampanya ng administrasyon sa pagtulong sa mahihirap, pag-promote sa kapakanan ng mga OFWs, paglaban sa krimen, pagsugpo sa korapsyon, paglaban sa terorismo, pagdepensa sa territorial rights ng bansa at pamamahagi ng lupain sa ilalim ng land reform program.