Ito ay may kaugnayan sa maanomalya umanong paggastos sa tatlong milyong pisong trust fund ng bayan ng San Jose, Occidental Mindoro noong siya pa ang alkalde taong 2010 at 2011.
Sa pasya ng mga mahistrado ng first division ng Sandiganbayan, hinatulan na makulong ng anim hanggang sampung taon si Villarosa.
Maliban dito, diskwalipikado na ang dating mambabatas na humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.
Nauna ng sinampahan ng labingdalawang kaso ng katiwalian at labingdalawang kaso ng malversation of public fund si Villarosa.
Nag-ugat ang kaso sa hindi otorisadong paggamit sa trust fund na nagkakahalaga ng P2.9 million na mula sa Tobacco Excise Tax.