Stress at pagod ni Pangulong duterte, idinadaan sa exercise

duterte01Idinadaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa exercise ang pagod at stress na nakukuha bunsod ng tambak na trabaho sa Malakanyang at sunod-sunod na biyahe sa labas ng bansa.

Ayon sa pangulo isang oras ang ginugugol niya sa treadmill para mabawasan ang stress at para makapagpalakas mula sa araw-araw na trabaho.

Sinabi ng pangulo na nakararanas din siya ng pag-ubo bunsod ng pagod at pinayuhan ng kaniyang doktor na mag-ehersisyo.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya inakala ang volume sa kanyang trabaho at kahit anong tiyaga niya ay hindi matapos-tapos ang mga ito.

Mula sa katatapos lamang na biyahe sa Malaysia, si Pangulong Duterte ay dadalo naman sa APEC summit sa Peru.

 

Read more...