Ekonomiya ng bansa lumago ng mahigit 7% sa 3rd quarter ng taon – NEDA

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Inanunsyo ngyaong araw ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagtaas ng GDP growth ng bansa para sa third quarter ng 2016.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia, 7.1% ang naitalang paglago ng ekonomiya ng bansa dahil sa malakas services sector, industry sector at agriculture sector.

Nauna rito sinabi ni Pernia na nasa 6.0 to 7.0 percent lamang ang paglago ng ekonomiya pero dahil sa positibong agriculture sector growth itinaas ng NEDA chief ang forecast.

Nitong nakalipas na 3rd quarter ng taon mula sa negative lumakas ang agricuture sector habang ang export sector naman ay nakapagtala ng 5.1 percent na pagtaas noong buwan ng Setyembre matapos ang labinpitong buwan na pagbagsak.

Noong second quarter ng 2016 nakapagtala ang bansa ng 7.0 percent GDP growth.

 

 

 

Read more...