Inabswelto ng Sandiganbayan 4th Division si dating Makati City Mayor Elenita Binay at dalawang iba pa sa kinakaharap na kasong graft.
Ito ay may kaugnayan sa umano’y overpriced na pagbili ng mga gamit para sa Makatit City Hall noong taong 1999 at 2000.
Umabot sa P13.25 million ang halaga ng nabiling office furniture noong taon na iyon para sa City Hall.
Ayon sa desisyon ng antigraft court nabigo ang prosekusyon nna patunayan at suportahan ang mga element para sa kasong graft.
Kasama ding inabswelto sa kaso si Ernesto Aspillaga, dating pinuno ng general services department ng City Hall at si Vivian Edna Edurise, corporate officer ng contractor na Office Gallery International, Inc.
Personal na dinaluhan ni Bina yang promulgation sa nasabing kaso.
Ang kaso ay nag-ugat nang bilhin ng Makati City Hall ang mga bagong gamit sa nabanggit na contractor noong December 1999 at February 2000.
Sa report ng government auditors, ang P13.25 million na halaga ng pagkakabili umano sa nasabing mga gamit ay overpriced ng P3.6 million.