Ilang lugar sa Tondo at QC, 5 hanggang 6 na oras mawawalan ng kuryente

Inquirer File Photo
Inquirer File Photo

Lima hanggang anim na oras mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Tondo, Maynila at Loyola Heights, Quezon City ngayong araw, November 17.

Sa abiso ng Manila Electric Company (Meralco), apektado ng power interruption mula alas 8:00 ng umaga hanggang ala 1:00 nga hapon ang Paulino Street sa Tondo Maynila mula sa Pedro Alfonso Street, kabilang ang Bukid, Nepa, Banahaw at Patria Streets.

Ayon sa Meralco, magpapalit sila ng mga nabubulok nang poste ng kuryente at magsasagawa ng reconductoring works sa kahabaan ng Paulino Street.

Samantala, sa Loyola Heights, Quezon City, apektado ng power interruption mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang bahagi ng Esteban Abada Street mula sa B. Gonzales Street hanggang A. Melchor Street sa Loyola Heights Subdivision.

Ayon sa Meralco, may mga poste rin na kailangan nang palitan sa kahabaaan ng Esteban Abada Street.

Tiniyak naman ng Meralco na pipilitin nilang mapaaga ang pagpapalit ng mga nabubulok na poste.

 

 

 

Read more...