Isabela, Cagayan at Apayao, uulanin ngayong araw; PAGASA nagbabala ng flashfloods at landslides

Tail-end of a cold front pa rin ang naka-aapekto sa Northern at Central Luzon.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa mga lalawigan ng Isabela, Cagayan at Apayao.

Ang mga residente sa tatlong lalawigan ay pinapayuhan ng PAGASA na mag-ingat sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cordillera at Cagayan Valley, Eastern Visayas, Caraga region and Northern Mindanao.

Sa Metro Manila may bahagya ding pag-ulan na dulot ng thunderstorms.

 

Read more...