Isa na namang tricycle driver, pinatay sa Caloocan

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Panatag na naghihintay ng pasahero si Julius Hidalgo, 43 years old, habang nakapila sa terminal ng tricycle Galauran St., Brgy. 56 Caloocan City nang may tatlong motorsiklo ang huminto sa tapat niya at tuluyan siyang pagbabarilin.

Bumaba ang angkas ng dalawang motorsiklo saka pinaputukan ng malapitan ang biktima hanggang sa mamatay ito dakong alas 10:00 kagabi.

Nang dumating ang SOCO, 3 piraso ng maliit na sachet ang nakuha sa pangangalaga ng biktima at ilang basyo ng baril rin ang natagpuan sa crime scene.

Tama sa ulo ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Hidalgo.

Ayon sa kagawad ng barangay ng Brgy. 56, kilalang tulak sa lugar ang suspek at hindi ito sumuko sa Oplan Tokhang.

Read more...