‘Kissing photo’ nina ‘Baste’ Duterte at Ellen Adarna, viral sa internet

 

Mula sa IG

Viral na sa social media ang larawan ni Presidential Son Sebastian ‘Baste’ Duterte at Ellen Adarna na nagli-lips-to lips.

Dahil sa naturang larawan, lalo pang lumalakas ang mga haka-haka na may relasyon ang dalawa.

Hanggang sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula kina Baste at Ellen kung may namamagitan sa kanilang dalawa.

Nang matanong naman ang manager ni Baste, iginiit ng mga ito na hindi nila pinakikialaman ang personal na buhay ng presidential son.

Ang malinaw anila, ay walang asawa sa kasalukuyan si Baste sa ngayon at hindi rin nito binibigyan ng ‘label’ ang mga relasyon nito.

Una nang lumutang ang mga spekulasyon na may namamagitan sa dalawa nang mag-post si Adarna ng mga larawan nila ni Baste sa Siargao, habang ipinagdiriwang ang kaarawan ng kanilang kaibigan na si Beauty Gonzales.

Sa kabila ng mga ugong, iginiit ni Ellen na magkaibigan lamang sila ni Baste Duterte.

Read more...