Judge, nag-inhibit sa kaso ni Col. Marcelino

 

Upang hindi pagdududahan ang paghawak niya ng drug case ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino, nag-inhibit si Manila RTC Branch 17 Felicitas Laron-Cacanindin sa pagdinig sa kaso.

Binanggit ni Cacanindin sa kanyang tatlong-pahinang kautusan na may petsang Nobyembre 11, na kaibigan niyang matalik ang kapatid ni dating PDEA Chief Arturo Cacdac.

Bukod dito aniya, ay parehas silang taga La-Union ni Cacdac at nagtapos sila sa iisang high school.

Giit ng hukom, ang kanyang hakbang ay alang-alang sa diwa ng katarungan.

Bago ito, ipinagpaliban pa ni Cacanindin ang pagbasa ng sakdal kay Marcelino gayundin ang pagpapalabas ng warrant of arrest.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Marcelino nang arestuhin ito sa isang shabu lab sa Maynila noong nakaraang Enero.

Read more...