Nakaranas ng malakas na pag-ulan ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ngayong Miyerkules ng umaga.
Sa abiso ng PAGASA, alas 7:00 ng umaga kanina nang makaranas ng light to moderate rains at kung minsan ay heavy rains ang North Caloocan, Quezon City, Marikina at Valenzuela.
Kasama ring inulan ang mga bayan ng Rodriguez, Antipolo at San Mateo sa Rizal, gayundin ang mga lalawigan ng Nueva Ecija, Pangasinan at bahagi ng Bulacan, Tarlac at Pampanga.
Bago ang nasabing abiso ng PAGASA, nauna nang inulan ang iba pang bahagi ng Rizal, partikular ang mga bayan ng Baras, Jala-Jala at Pililia.
Gayundin din ang mga bayan ng Mabitac, Sta. Maria, Famy, Siniloan, Pakil at Pangil sa Laguna.
Ayon sa PAGASA, tail-end ng cold front ang umiiral ngayon sa Northern at Central Luzon.
WATCH: Maagang inulan ang QC are at iba pang bahagi ng Metro Manila ngayong araw | @RickyBrozas pic.twitter.com/DoyPXCLH9d
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 15, 2016