P2,000 SSS pension hike lusot na sa committee level sa Kamara

INQUIRER FILE PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
INQUIRER FILE PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Aprubado na sa committee level ng Kamara ang panukalang dalawang libong pisong dagdag sa pension na tinatanggap ng mga retiradong miyembro ng SSS.

Inaasahang mai-aakyat na sa plenaryo ng kamara panukalang batas at masisimulan na rin ang plenary debate.

Sinabi ni House Committee on Government Enterprises and Privatization Jesus Sacdalan, nakausap nila sa isang executive session ang mga opisyal ng Social Security System o SSS.

Nakahanap umano ng paraan ang SSS kung saan i-invest ang pera ng ahensiya upang mapahaba ang buhay ng pondo nito kahit magbigay ng dagdag pensyon.

Kabilang sa mga paraan ay ang i-invest ang SSS funds sa PPP projects.

Ayon naman kay SSS Chairman Dean Amado Valdez, bukas ang SSS sa concern ng Kongreso na tulungan ang working class sa pamamagitan ng dagdag pensyon.

Inihirit naman ni dating Bayan Muna PL Rep. Neri Colmenares na tuluyang isakatuparan ng Kongreso ang pagpapatibay ng SSS pension hike bill.

Paalala ni Colmenares, na siyang author ng panukala noong 16th congress, hindi dapat magpadala ang Kongreso sa mga pananakot ng SSS dahil ang mga mambabatas lamang ang may kapangyarihan na bumuo ng panukala at gawin itong batas.

 

 

Read more...