Campaign spokesman ni Duterte, bagong administrador ng NIA

FB Photo | Peter Laviña
FB Photo | Peter Laviña

Ang dating campaign spokesperson ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Peter Laviña ang bagong administrator ng National Irrigation Authority (NIA).

Kinumpirma nito ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.

Bago maging campaign spokesperson ni Duterte, si Laviña ay nagsilbing special assistant ng pangulo noong ito ay alkalde pa sa Davao City.

Ang misis ni Laviña na si Evelyn ay nauna nang itinalaga bilang undersecretary sa DA.

Isa sa mga pinatutukan ni Piñol kay Laviña sa NIA ay ang problema pa rin sa irigasyon sa mga sakahan sa bansa.

Ani Piñol, nais ng pagulo na mabigyan ng libreng irigasyon ang lahat ng magsasaka.

Samantala, itinalaga naman bilang Deputy Administrator for Operations sa NIA si Czar Sulaik na isang engineer mula sa Maguindanao.

Naging provincial irrigation officer si Sulaik sa North Cotabato noong panahon na si Piñol ang gobernador sa lalawigan.

 

 

 

Read more...