Sa ulat ng Inquirer Southern Luzon, dalawa ang nasugatan dahil sa nasabing sunog na naganap sa armory ng headquarters.
Nagsimula ang sunog alas 2:00 ng madaling araw sa Camp Bonny Serrano na nasundan ng mga pagsabog.
Ang dalawang nasugatan ay hindi pa nakikilala pero ayon sa mga tauhan ng fire department, naninirahan sila malapit sa kampo.
Makalipas ang dalawang oras, naapula din ang sunog.
Napinsala sa sunog ang supply room ng kampo at ang mga tanggapan ng National Police Commission, Police Community Relations Branch, Women’s and Children’s Desk at ang crime laboratory.
READ NEXT
Matapos ang rollback, narito ang kasalukuyang presyo ng produktong petrolyo sa Mandaluyong at QC
MOST READ
LATEST STORIES