Matapos ang dalawang linggong magkasunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo, naglalaro ngayon sa P27 ang presyo ng kada litro ng diesel at P39 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Sa monitoring ng Radyo Inquirer, sa Mandaluyong City, ang branch ng Petron sa Wack-Wack corner Shaw Boulevard, nasa P27.55 ang kada litro ng diesel, P39.40 ang kada litro ng gasolina at P20.17 ang kada litro ng Auto LPG.
Ang Shell sa Pilar corner Shaw Boulevard, nasa P27.55 hanggang P31.05 ang presyo ng kada litro ng diesel depende sa klase at P38.90 hanggang P43.40 ang gasolina depende sa klase.
Ang mga small players naman sa kahabaan ng Shaw, ang Unioil branch sa Nueve de Pebrero, P27.10 ang kada litro ng diesel, at P38.45 hanggang P39.50 ang kada litro ng gasolina depende sa klase.
Ang Total sa Lawson Street, P27.20 hanggang P32.15 ang presyo ng diesel depende sa klase at P38.55 hanggang P39.05 ang kada litro ng gasolina depende sa klase.
Ang branch ng UNO sa Acacia lane, P25.10 ang presyo ng kada litro ng diesel at P36.35 ang gasolina.
Samantala, sa Quezon City, ang branch ng Shell at Petron sa Cubao, P27.90 ang presyo ng diesel, P40.45 hanggang P41.35 ang gasolina depende sa klase.
Sa Congressional Avenue, ang branch ng Phoenix Petroleum, P26.90 ang kada litro ng diesel at P40.05 hanggang P40.75 ang gasolina depende sa klase.
Ang mga kumpanya ng langis ay nagpatupad ng 65 centavos na bawas sa presyo ng gasolina at diesel at 55 centavos sa presyo ng kada litro ng kerosene ngayong umaga.