Ayon sa PAGASA, ang easterlies ang nakaaapekto sa eastern section ng Pilipinas.
Dahil dito, nabawasan ang lamig na naranasan nitong nagdaang mga araw.
Kahapon, umabot muli sa 32.8 degrees Celsius ang pinakamainit na temperatura sa Metro Manila habang 25.6 degrees Celsius ang naitalang pinakamababang temperatura.
Sinabi naman ni PAGASA forecaster Benison Estareja na sa weekend ay inaasahan nilang babalik ang amihan at magtutuloy-tuloy na ang malamig na panahon.
Samantala, ngayong araw, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin lamang ang mararanasan sa buong bansa at mayroong isolated rainshowers o thunderstorms partikular sa eastern section ng Pilipinas.