Ayon kay West Central Railway Spokesman Piyush Mathur, madaragdagan pa ang nasabing bilang dahil may mga kinikuha pang katawan na naipit sa nadiskaril na mga bagon.
Tumatawid ng tulay ng Central India sa Madhya Pradesh State ang dalawang tren nang maganap ang insidente. Ang isa ay patungo sa Mumbai habang ang isa ay nasa kabilang direksyon.
Hindi pa malinaw kung gaano karami ang pasaherong sakay ng dalawang tren.
Tumaas umano ang tubig sa ilog at inabot ng tubig baha ang bahagi ng riles na isa sa tinitignang dahilan ng pagkakadiskaril. “Rushing emergency medical and other relief personnel to spot, darkness, water creating hurdles but ordered all possible help. Trying our best,” Ayon kay Railway Minister Suresh Prabhu.
Ang railway network ng India ang isa sa pinakamalaking railway system sa buong mundo.
Noong 2012, naglabas ng ulat ang pamahalaan ng India at sinabing umaabot sa 15,000 na katao ang nasasawi sa nasabing bansa kada taon dahil sa aksidente sa tren./ Dona Dominguez- Cargullo