3 milyong illegal immigrants sa US, agad na ipadedeport ni president-elect Trump

 

Handa si US President-elect Donald Trump na simulan agad ang kanyang naunang pangako noong panahon ng eleksyon na ipapa-deport ang mga illegal immigrants na nananatili sa Amerika.

Sa ilang bahagi ng panayam ng programang “60 Minutes” kay Trump, sinabi nito na handa siyang ipa-deport o ipakulong ang nasa dalawa hanggang tatlong milyong mga iligal na namamalagi sa Estados Unidos.

Partikular niya aniyang tututukan ang pagpapakulong o pagpapalayas sa bansa ng mga taong may mga criminal records o mga miyembro ng mga gang at mga drug dealers.

Inulit din nito ang nauna niyang pahayag noong panahon ng kampanya na magtatayo ng pader sa border ng Mexico at sisingilin ang naturang bansa sa gastos sa pagpapatayo nito.

Sa ilang lugar aniya ng border, sa halip pader na bato at bakal ay bakod ang kanyang ilalagay.

Read more...