EU magpupulong sa epekto ng ‘Trump Presidency’

 

Magpupulong ang mga lider na kasapi ng European Union (EU) upang talakayin ang magiging epekto ng pagkapanalo ni Donald Trump sa nakalipas na US elections at ang mga nakaraang pahayag nito sa ugnayan ng EU at Amerika.

Gagawing pribado ang naturang pagpupulong ng mga ministro ng EU na inaasahang tatalakay sa mga nakaraang posisyon ni Trump sa isyu ng pagtanggi nito na maisulong ang ilang mga trade agreements at isolationist position nito sa isyu ng seguridad.

Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling palaisipan sa mga EU members ang naging susi ng pagkapanalo ni Trump sa nakaraang eleksyon.

Naniniwala si Giovanni Grevi, senior fellow ng European Policy Center, magiging mahirap ngayon ang pagsusulong ng kooperasyon sa pagitan ng US at EU ngayong si Trump na ang magiging lider ng Amerika.

Magiging laman din ng talakayan ang dahilan ni Trump sa pagtanggi nito na batikusin ang mga naunang hakbang ni Russian President Vladimir Putin.

Matatandaang pinatawan ng ‘sanctions’ ng EU ang Russia dahil sa pag-annex nito sa Crimea at naging papel nito sa destabilization ng Ukraine.

Read more...