Kinilala ang naturang biktima na si Paul Villamor, na natagpuan ang sunog na bangkay ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa loob ng kanilang tahanan.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na naiwan sa loob ng bahay ang biktima.
Nasa trabaho umano ang ina nito samantalang sandaling lumabas ng bahay ang ama ng biktima upang bumili sa tindahan.
Dakong alas 7:11 Linggo ng gabi, ganap na naapula ang sunog ng mga kagawad ng BFP.
Umabot pa sa ikalimang alarma ang sunog na nagsimula dakong alas 3:30 ng hapon.
Ilang tahanan ang tinupok din ng apoy sanhi ng sunog.
Samantala, nasunog rin ang isang bahagi ng female barracks sa Philippine Navy headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig kahapon.
Nagsimula ang sunog sa Auxiliary Lady of the Navy o ALON Barracks dakong alas-4:00 ng hapon, LInggo.
Matapos ang isang oras, naapula ang apoy.
Wala namang iniulat na nasaktan sa naturang insidente.