‘Motorcycle lane policy’ simula na

 

Inquirer file photo

Simula na ngayong araw ang pagpapatupad ng ‘motorcylce lane policy’ sa apat na pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sa ilalim ng naturang polisiya, binibigyan lamang ng ‘designated lane’ ang mga motorsiklo at mapapatawan ang mga ito kung lalabag sa naturang direktiba.

Kabilang sa mga lugar na saklaw ng ‘Motorcycle Lane Policy’ ay ang EDSA, C-5, Macapagal Avenue at Commonwealth Avenue.

Nitong Sabado at Linggo, nagsagawa na ng ‘dry run’ ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Motorcycle Philippines Federation sa ilang lansangan upang subukan ang pagpapairal ng polisiya.

Sinita rin ng mga otoridad ang mga nagmomotorsiklo na walang helmet, safety gear, at headlight.

Simula ngayong araw, ang mahuhuling lumalabag ay maaring mapatawan ng P500 hanggang P1,000 multa o di kaya ay pag-impound ng kanilang mga sasakyan.

Noong nakaraang taon, umaabot sa 18,668 na aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

 

Read more...