Supermoon, magpapakita bukas ng gabi ayon sa PAGASA

SUPERMOON
INQUIRER FILE PHOTO

Matutunghayan ang Supermoon sa himpapawid bukas, November 14.

Isa itong pambihirang Phenomenon o pagkakataon kung saan magpapakita ang buwan ng mas malapit sa mundo.

Batay sa advisory ng state weather bureau, ang PAGASA, matutunghayan ang perigree ng buwan eksakto 7:21 ng gabi bukas o halos dalawang oras at 31 minuto bago ito mag-full moon sa ganap na 9:52 ng gabi.

Ibig sabihin ay makikita ang buwan ng mas malapitan at mas malaki ang sukat ngayong taon.

Hinihimok ng PAGASA na tunghayan ang supermoon dahil labing walong taon pa muli ito mangyayari o sa 2034.

Huling nangyari ang supermoon animnapu’t walong taon na ang nakaraan o noong January 26, 1948.

Ayon sa PAGASA, ang buwan ay makikita ng labing apat na porsiyento na mas malaki at tatlumpung porsiyento na mas maliwanag.

Read more...