I-ACT, magdedeploy ng traffic enforcers sa Commonwealth, C5 at NAIA Expressway

hpgMagdedeploy ang Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT ng traffic enforcers mula sa Philippine National Police-Highway Patrol Group sa Commonwealth Avenue, C5 Road at NAIA Expressway simula bukas, November 14.

Sa pahayag na inilabas ng HPG-Public Information Office, nakasaad na aprubado ang nasabing deployment ng iba pang member agencies ng I-ACT kabilang na ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.

Ayon kay HPG spokesperson Superintendent Elizabeth Velsquez, nagdesisyon ang I-ACT na magdeploy ng traffic enforcers sa iba pang chokepoints tulad ng Commonwealth Avenue, C5 Road at NAIA Expressway.

Naisipan aniya ng I-ACT na magdeploy ng traffic enforcers sa nasabing mga chokepoints dahil maganda na ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Dagdag ni Velasquez, kabuuang 122 na traffic enforcers ang idedeploy ng HPG sa C5 Road.

Magmumulta aniya ng limangdaan piso ang mga motorcycle owners na lalabag sa mga regulasyon sa motorcycle lanes.

Read more...