Lalaki, patay sa pamamaril sa Zamboanga City

police-line-0815Patay sa pamamaril ang isang bente dos anyos na lalaki nang hindi pa nakikilalang mga suspek sa harap ng isang fastfood chain sa Zamboanga City madaling araw ng Linggo.

Idineklarang dead on arrival sa Zamboanga Doctors Hospital ang biktima na kinilalang si Al-Rashel Aidal y Sahipa dahil sa mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa ulat ng pulisya, papasok si Aidal sa Jollibee sa may Veterans Avenue alas dos y medya ng madaling araw nang lapitan ng hindi pa nakikilalang mga lalaki at paputukan ng apat na beses gamit ang 45 caliber pistol.

Kasalukuyan pang iniimbestiga ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

Read more...