Mas pinaigting na ng Philippine National Police ang pagbabantay sa mga pagawaan at tindahan ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan ngayong nalalapit na ang panahon ng pasko.
Kasabay nito ay nagbabala ang PNP sa kanila na sumunod sa mas pinahigpit na mga patakaran kasunod ng nangyaring pagsabog ng tindahan doon noong Oktubre.
Noong Biyernes ay sinimulan na ng pulisya ang pag-inspeksyon sa mga tindahan ng paputok sa Bulacan na nagsisimula nang magbukas bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng mga mamimili para sa Pasko at bagong taon.
Ayon sa pulisya, maaaring ipasara ang mga tindahang hindi susunod sa mas pinahigpit na mga patakaran, kasabay nito ay nag-abiso rin sa mga tindahan na maghanda para sa mga surprise inspections.
Matatandaang noong nakaraang Oktubre ay nasunog ang isang tindahan ng paputok sa Bocaue, matapos ang pagsabog ng mga paputok.
Dalawa ang nasawi at marami ang nasugatan sa nangyaring insidente.