Jayson Castro, pumirma ng P15M deal sa Talk N Text

inquirer.net file photo

Pumirma si Jayson Castro ng three-year extension sa Talk N Text habang tinaggihan naman niya ang ilang Chinese Basketball Association (CBA) teams ay pumayag sa maximum deal na P15 Million pesos.

Dalawang beses na tinanghal na ng FIBA Asia’s Best Point Guard si Castro.

Ayon kay Castro dahil sa nasabing deal ay masaya siya kung saan taong 2008 pa siya ng simulang maglaro sa Talk N Text.

Ang naturang deal ay ang tumapos sa usap-usapan maglalaro na sa ibang bansa si Castro dahil hindi baba sa tatlong Chinese ballclubs ang napabalitang nagpakita ng interes sa kanya.

Kaugnay nito sinabi ni Castro na meron ng pag-uusap sa sa isang team sa CBA pero wala pang proposal patungkol sa kontrata.

 

 

Read more...