Isang bayan sa Italy, nag-alok ng asylum kay Robert De Niro matapos manalo sa eleksyon si Trump

inquirer.net file photo

Inalok ang American film star na si Robert De Niro ng isang bayan sa southern Italy ng asylum kung saan nagmula ang kanyang great-grandparent, matapos ang pahayag nito na babalik siya doon kapag manalo bilang presdente si Donald Trump.

Ayon kay Antonio Cerio, mayor ng Ferrazzano, kung gusto ni De Niro na tumira sa kanilang bayan ay “welcome” ito sa kanilang bayan matapos na manalo si Trump bilang pangulo ng US.

Dagdag ni Cerio na magiging isang karangalan ito sa kanilang bayan na kung saan aabot sa 3,000 ang residenteng naninirahan dito.

Sinabi kasi ni De Niro na kilala sa kanyang mga pelikula na “Taxi Driver” at “Raging Bull” sa talk show ni Jimmy Kimmel sa ABC, isang channel sa US na ang Italian side ng kanyang pamilya ay orihinal na nagmula sa Ferrazzano at na siya ay isang Italian citizen.

Matatandaang Inihirit din ng Oscar winning actor bago pa ang naganap na elecksyon na gusto niyang suntukin sa mukha si Trump.

Kaugnay nito dahil sa nanalo na si Trump bilang ika-45 na president ng US ay hindi na niya ito magagawa dahil kanyang nirerespeto ang posisyon nito.

 

 

 

Read more...