Ito ay makaraang ipag-utos ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang maagang pagpapalabas ng tradisyunal na Christmas bonus para sa mga empleyado nito, kabilang ang consultants at personnel na sakop ng mga service contracts.
Sa pamamagitan ng isang memorandum circular, inutusan ni Mayor Bautista ang budget at accounting department nito na ilabas na ang lahat ng pondo na kailangan para sa release ng mga benepisyo bago pa ang katapusan ng nobyembre.
Sa ilalim ng guidelines, lahat ng empleyado sa elective at appointive plantilla positions ng lungsod sa ilalim ng permanent, temporary at co-terminus status na nagbigay ng apat na buwang serbisyo ay may karapatang tumanggap ng yearend bonus na katumbas ng isang buwang sahod at cash incentive na P5,000.
Ang mga Quezon City Hall employees ay makakatanggap din ng karagdagang insentibo bukod pa sa tradisyunal na Christmas bonus.