Bongbong Marcos, muling naghain ng petisyon kontra COMELEC at Smartmatic

Bongbong Marcos2Naghain ng petisyon ang kampo ni dating Sen Bongbong Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) para kasuhan ang Commission on Elections (COMELEC) at Smartmatic.

Sa 28 pahinang petition for review na inihain ni dating Abakada Party List Rep. Jonathan Dela Cruz, hiniling din nito na baligtarin ang naunang findings ng Office of City Prosecutors ng Maynila na nagbasura sa kaniyang reklamong paglabag sa cybercrime law laban sa COMELEC at ilang tauhan ng Smartmatic.

Giit ni Dela Cruz nagkamali ang mga city prosecutors nang ikatuwiran na kulang ang kanyang mga ebidensiya.

Ang unang reklamo ni Dela Cruz ay kaugnay sa sinasabing unauthorized system change ng Smartmatic sa transparency server sa kalagitnaan ng transmission ng boto noong gabi ng Mayo 9, araw mismo ng eleksyon.

Sa sinasabing insidente napalitan ng question mark ang letrang “Ñ”.

Read more...