Kongresista sa Basilan, pumanaw matapos atakihin sa puso

www.congress.gov.ph

Pumanaw na si Basilan congresswoman Jum Jainudin Akbar matapos itong atakihin sa puso.

Ayon sa mga kaanak ni Akbar, punanaw ang kongresista sa St. Luke’s Medical Center. Si Akbar ay nahalal na kongresista sa Basilan kasunod ng asawa niyang si dating Cong. Wahab Akbar na nakatatlong termino sa kamara.

Nanilbihan muna siyang gobernador sa Basilan at ito ang kaniyang unang termino sa kamara.

Magugunitang si Wahab Akbar ay nasawi noong 2007 matapos ang naganap na pagsabog sa Batasang Pambansa.

Read more...