Nagsara ang halaga ng piso kontra dolyar sa P48.950 na mas mababa kumpara sa P48.660 noong Huwebes.
Ito na ang pinakamababang halaga ng piso na naitala simula noong April 28, 2009 kung saan naitala sa P48.995 ang palitan ng piso kontra dolyar.
Umabot pa sa 48.969 ang halaga ng piso pero bahagya ring nakabawi bago magsara ang stock market ngayong Biyernes.
Sa daily market recap ng BPI Asset Management nakasaad na ang paghina ng piso kontra dolyar ay dahil sa mga ekpektasyon sa policy plans ni US President-elect Donald Trump.
Sinabi ni Cherica Vicente, research analyst ng MetisEtrade, sa ngayon, wala pang katiyakan kung ang Trump presidency ay makatutulong sa emerging market economies gaya ng Pilipinas.