Hindi itinuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpaparehistro ng mga botante sa mga lugar sa hilagang Luzon na hinagupit ng bagyong Lawin.
Sa pahayag ng Comelec sa darating na Lunes na lang pasisimulan ang ang voters’ registration sa 11 lalawigan.
Kinabibilangan ito ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Mt. Province, Kalinga, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan, Cagayan at Isabela.
Nakasaad sa Comelec Resolution 16-0720 na ang pagpapaliban ay kailangan para makapagpadala pa ang komisyon ng mga generator sets at gasolina sa 109 Comelec field offices na wala pa ring kuryente.
Samantala may 19 field offices din ang nasira ang voter registration machines o systems dahil sa pananalsa ng bagyo.
Magugunita na noong nakaraang Lunes itinuloy na ng Comelec ang pagpaparehistro ng mga botante para sa Barangay at SK elections at ang registration ay magtatagal hanggang sa April 29, 2017.
Inaasahan na aabot sa limang milyong botante ang magpaparehistro.