Rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant, aprubado na ni Pangulong Duterte ayon kay Energy Sec. Cusi

Bataan-Nuclear-Power-Plant (1)Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalabas ng pondo para sa rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Sinabi ito ni Energy Sec. Alfonso Cusi kahit na noong una ay kontra si presidente sa pagbuhay sa nasabing planta.

Gayunman, mahigpit aniya ang tagubilin ni pangulo na dapat nitong tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng 40 taong gulang na pasilidad bago ito buksan lalo na laban sa mga natural na kalamidad.

Tiniyak naman ni Cusi kay Pangulong Duterte na hindi gagawing bara-bara ang rehabilitasyon ng Bataan Power Plant at susunod sila sa istriktong panuntunan ng International Energy Agency.

Ayon kay Cusi, maaaring makumpleto ang rehabilitasyon ng bnpp sa loob ng dalawa hanggang apat na taon.

Inaasahan din nilang aabutin ng isang bilyong dolyar para maabot ng planta ang orihinal nitong specification na kayang magbigay ng 621 megawatt na elektrisidad.

Naniniwala naman si Cusi na hindi dapat agad-agad na ilagay ang BNPP sa full operation at sa halip ay unti untiin lang hanggang sa maabot ang mataas na level ng operating efficiency.

 

 

Read more...