Barbers kay Pichay: “High ka ba?”

Kuha ni Isa Avendaño-Umali
Kuha ni Isa Avendaño-Umali

“High ka ba?”

Ito ang reaksyon ni Surigao Del Norte Rep. Ace Barbers sa pahayag ni Surigao Del Sur Rep. Prospero Pichay na may galit siya sa kongresista kaya nagsampa siya ng counter ethics suit sa kamara.

Nag-ugat ang away nina Barbers at Pichay sa kasagsagan ng pagdinig sa Charter Change kung saan muntik silang magpang-abot at magsuntukan kung hindi naawat ng mga kapwa kongresista.

Ayon kay Barbers, nag-iilusyon si Pichay sa sinabi nito na may galit siya sa kongresista o baka nagdodroga ito kaya nag-iimagine ng mga bagay.

Sinabi ni Barbers na dapat nang tumigil si Pichay sa hallucination nito at pag-iisip na siya ang hari sa Surigao.

Una nang nagsampa si Pichay ng reklamo laban kay Barbers sa house ethics committee.

Sa hearing noong October 12, ay nagkainitan ang dalawa nang igiit ni Pichay na wala sa Konstitusyon ang Constituent Assembly kaya hindi uubra na basta na lamang ipa-convene ito.

Nagmosyon si Pichay na dapat magpasa muna sila ng resolusyon na mag iimbita sa Senado para samahan ang Kamara na mag convene bilang Con-Ass.

Nairita rito si Barbers sabay sabi sa komite na hindi dapat ini-entertain ang ganitong stupid motion.

Napilitan ang chairman ng Constitutional Amendments Committee na si Rep. Roger Mercado na suspendehin muna ang hearing.

Habang suspendido, nilapitan ni Barbers si Pichay at dito na nagkamurahan ang dalawa hanggang sa muntik nang magkasuntukan.

 

 

 

 

Read more...