BOC, dumulog sa Korte Suprema para makasingil ng P55B na buwis mula sa Pilipinas Shell

Shell |Photo from shell.com.phIpinababasura ng Bureau of Customs (BOC) sa Korte Suprema ang pasya ng Court of Tax Appeals (CTA) kaugnay sa utang na buwis na dapat bayaran ng Pilipinas Shell sa gobyerno.

Base sa 35-pahinang petition for certiorari na inihain ng Customs sa pamamagitan ng Office if the Solicitor General, hiniling sa mataas na hukuman na balewalain ang desisyon ng CTA na nag-aatas sa Pilipinas Shell na magbayad ng P5.72 billion na buwis.

Sinabi ng petitioner na dapat gawin itong P55 billion dahil sa penalty at interest na hindi isinama sa pasya ng tax court.

Ayon pa sa Customs, nagkaroon ng grave abuse of discretion ang tax court nang sabihin nito na hindi kailangang magbayad ng penalty ang Shell.

Ipinaliwanag ng Customs na malinaw na may fraud o nandaya ang nasabing kumpanya ng langis sa ginawang deklarasyon ng importasyon nito.

Bukod dito, kailangan din anilang bayaran ng respondent ang interest 20% kada taon base sa itinatadhanan ng Section 249 ng Tax Code.

Nagkamali rin anila ang tax court matapos sabihin na hindi liable sa pagbabayad ng excise tax at VAT ang Shell sa mga inangkat nitong produkto matapos itong mag-avail ng tax amnesty noong 2008.

Paliwanag ng BOC, maaring maka-avail ng tax amnesty ang Pilipinas Shell dahil ayon sa isinasaad ng RA 9480 ang maari lamang bigyan ng amnestiya ay ang mga hindi nabayarang buwis na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue at hindi ng Bureau of Customs.

Ang kaso ay may kaugnayan sa hindi pagbabayad ng Shell ng buwis sa importation nito ng unleaded gasoline noong 2004 hanggang 2009.

 

 

 

Read more...