Driver ng jeep, patay matapos tumalon mula sa 6th floor ng Gwapotel sa Maynila

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Patay ang isang driver ng pampasaherong jeep matapos tumalon sa isang abandonadong gusali sa Jose Abad Santos St., Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Danilo Cezar Bizate, tinatayang nasa edad 40 hanggang 50.

Ayon kay SPO1 Alexander Dela Cruz ng Homicide Section ng Manila Police District, tumalon mula sa ika-anim na palapag ng abandonadong Guwapotel.

Bumagsak ang lalaki sa mga scaffolding na nakahanay ng ikatlong palapag ng gusali.

Nabatid na huling nakitang nakikipag-inuman ang biktima sa lugar kagabi.

Napansin pa ng kaniyang mga kasamahan na balisa ito at nagsasalita ng mag-isa.

Inaalam naman ng mga otoridad kung may foul play sa insidente.

 

Read more...