Malaking bahagi ng Marikina City, San Mateo at Rodriguez sa Rizal, nakaranas ng power interruption

MERALCO advisory

Nakaranas ng emergency power interruption ang maraming mga barangay sa Marikina City at sa mga bayan ng San Mateo at Rodriguez sa lalawigan ng Rizal.

Sa abiso ng Meralco, tumagal ng mahigit dalawang oras ang naranasang brownout sa maraming barangay.

Sa Marikina City, kabilang sa mga naapektuhan ang mga barangay Barangka, Concepcion I, Jesus Dela Peña, Nangka, Sto. Niño, at Tañong.

MERALCO advisory

Sa San Mateo Rizal naman, nawalan ng kuryente ang mga barangay Ampid I, Banaba, Dulong Bayan I, Dulong Bayan II, Malanday, Maly at Sta. Ana.

Habang sa bayan ng Rodriguez, naapektuhan din ng brownout ang mga barangay Rosario, San Isidro, San Rafael, Manggahan, Geronimo, Burgos at Balite.

Pasado alas 9:00 ng umaga nang mawalan ng kuryente ang maraming barnagay at pasado alas onse nang maibalik ang suplay.

Emergency line trouble lamang ang binanggit na dahilan ng Meralco sa nasabing brownout.

 

Read more...