WATCH: Duterte at PM Razak, nag-duet sa awiting “Shalala lala”

Rodrigo-Duterte-with-Najib-Razak-in-Malaysia-Nov-2016Sa special dinner na ipinagkaloob ni Malaysian Prime Minister Najib Razak kay Pangulong Rodrigo Duterte, nagkasiyahan ang dalawang lider.

Sa video mula kina Presidential Management Staff Sec. Bong Go Presidential adviser on the Peace Process Jesus Dureza, makikitang nagkakantahan sina Razak at Duterte sa isang dinner.

Nag-duet ang dalawang lider sa awiting “Shalala lala” na pinasikat noon ng grupong Vengaboys.

Makikita sa video ang game na pagsayaw ni Prime Minister Razak habang umaawit, habang si Pangulong Duterte, bagaman hindi umiindak, ay kumakanta rin naman.

Bago ang duet, umawit din si Pangulong Duterte ng “Wind Beneath My Wings”.

Dalawang beses ding nagpaunlak ng awitin sa nasabing dinner si Malaysian First Lady Rosmah Mansor.

Habang si Prime Minister Razak ay umawit ng “The Young Ones” ni Cliff Richard.

Read more...