71 anyos na lola, natagpuang patay sa loob ng bahay sa QC

Kuha ni Jan Escosio
Kuha ni Jan Escosio

Natagpuang patay ang isang 71 anyos na lola sa loob ng banyo ng kanilang bahay sa Barangay Laging Handa sa Quezon City.

Ang biktima na kinilalang si Normal Arcilla ay nakita ng kaniyang mga kaanak na walang buhay sa loob ng CR sa ground floor.

Sa inisyal na imbestigasyon, gulong-gulo ang mga gamit sa ibaba ng bahay.

Ayon sa anak na lalaki ng biktima, nasa 2nd floor siya ng bahay nang mangyari ang insidente at wala umano siyang nadinig na ingay sa ibabaa.

Kaya nagulat na lamang ito nang makitang walang buhay ang ina sa CR.

Nakitaan din ng forcible entry ng mga otoridad ang pintuan ng bahay.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa insidente.

 

Read more...