C/Insp. Espenido, humingi ng paumanhin kay De Lima

espenido-de limaIbinunyag ng hepe ng Albuera police na si Chief Insp. Jovie Espenido ang paghingi niya ng paumanhin kay Sen. Leila de Lima, matapos niya itong kasuhan noong nakaraang buwan.

Ayon kay Espenido, ginagawa niya talaga ito upang ipakita na hindi siya namemersonal at trabaho lang ang kaniyang ginagawa.

Aniya, nakabase lang sa mga testimonya ng mga testigo ang kaniyang mga ginagawa, kaya humingi siya ng tawad sa senadora.

Ani Espenido, si Atty. Levi Baligod talaga ang nakikipagusap sa senadora pero nakakuha naman siya ng pagkakataon na humingi ng tawad dito.

Humingi rin siya ng paumanhin sa mga kapwa niya pulis na nakasuhan rin dahil sa umano’y koneksyon nila sa kalakalan ng iligal na droga na pinatatakbo ng anak ng yumaong alkalde na si Kerwin Espinosa.

Read more...