Diliman-Quiapo railway project, nilagdaan sa Malaysia

MRTKuala Lumpur, Malaysia – Para masolusyunan ang traffic sa Metro Manila, isang panibagong railway project na tatakbo mula Diliman, Quezon City patungo sa Quiapo, Maynila ang nais itayo ng isang Malaysian company.

Sa pulong balitaan dito Grand Hyatt Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia, sinabi ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na $1 bilyong halaga ng proyekto ang nilagdaan ng Malaysian company na East West Rail Transit Corporation, katuwang ang A. Brown Local Company ng Pilipinas, sa ilalim na rin ng Public Private Partnership Project.

Ayon kay Lopez ang Department of Transportation (DOTr) ang mamahala sa naturang proyekto.

Dadaan din aniya sa normal na proseso ang proyekto para makita ang iba pang offer.

Una rito sinabi ni Lopez na mas maraami nng mamumuhunan ang nagpahayag ng interes na mag negosyo sa Pilipinas dahil sa pangako ng Pangulong Rodrigo Duterte na wawalisin ang korupsyon sa pamahalaan.

Read more...