Pero ayon kay Foreign Affairs Secretay Perfecto Yasay, pahapyaw lamang ang pagkakabanggit dito ni Najib.
Katunayan aniya ay nagkasundo ang dalawang lider na isantabi muna ang usapin sa Sabah, dahil masyado umanong kumplikado ang isyu.
Bukod sa Sabah, natalakay din ng dalawang lider ang pagpapakalas ng relasyon ng dalawang bansa, pamumuhunan at seguridad.
Idinagdag pa ni Yasay na napag- usapan din ang peace process para sa kamindanawan at nagpahayag aniya ng kahandaan ang malaysian government na magsilbing facilitator o adviser para sa usapang pangkapayapaan.