Si Salazar ang papalit kay dating ERC Chairperson Zenaida Ducut na nagretiro sa pwesto noong buwan ng Hulyo.
Bago maitalaga sa ERC, si Salazar ay matagal nang undersecretary ng Department of Justice (DOJ).
Bilang DOJ Usec., kabilang sa mga tinututukan ni Salazar ang mga energy matters.
Nagsilbi din siyang Chairman ng Department of Energy (DOE) – DOJ Task Force on the downstream oil industry deregulation act of 1998.
Pinirmahan ni Pangulong Aquino ang appointment paper kay Salazar noong July 31, 2015, kung saan mayroon itong pitong taon na termino o hanggang sa July 2022.
Si Salazar ay may hawak na Bachelors degree sa Electrical Engineering mula sa University of the Philippines, Doctorate Degree sa Ateneo de Manila at Public Adminsitration Degree sa Harvard University.
Naging presidente din ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) si Salazar mula 2005 hanggang 2007./ Alvin Barcelona