Matatandaang nagdesisyon ang korte na sa Bangladesh bank karapatdapat ibalik ang nasa $15 milyong isinuko ni casino junket operator Kim Wong at ng Eastern Hawaii Leisure Company.
Unang nag-sauli si Wong ng $4.63 million, na sinundan ng P488.28 million na katumbas ng nasa $10.05 million, matapos niyang itanggi na may kinalaman siya sa itinuturing na pinakamalaking cyber heist na naganap sa buong mundo.
Ayon kay Bangladesh Ambassador to the Philippines John Gomes na kasama sa pagbibilang ng pera noong nakaraang linggo, ang nasabing $15 ay nasa isang vault sa ilalim ng ligtas na pangangalaga ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Kinumpirma ng isang source ng Reuters na malapit sa Bangladesh Bank ang pagbisita ng Dhaka officials dito sa Pilipinas para mabawi ang pera.